^

Probinsiya

Sastre ng MNLF sinalakay

-

Sinalakay ng pinag­sanib na puwersa ng pulisya ang isang tailor shop na napa­ tunayang nagtahi ng mga uniporme ng Moro National Liberation Front sa isang palengke sa Kidapawan City bandang alas-2:15 ng hapon kahapon.

Nakumpiska sa Carling’s Original na pag-aari ni Fe­ling dela Cruz ang 11 uni­porme ng MNLF na katulad ng sa PNP.

Inamin ni dela Cruz na isang kumander ng MNLF ang lumapit sa kanya para magtahi ng mga uniporme nila. Kada isa, binayaran siya ng P2 libo.

Ayon kay SPO4 Pascual Peroy ng Kidapawan City Police, bawal ang magtahi ng mga uniporme ng pulis o ng sundalo kung walang pa­hintulot mula sa headquarters nila.   Ang Carling’s Original, ayon pa kay Teroy, ay di rehistrado para magtahi ng kanilang mga uniporme.

Bandang alas-dos ng ha­pon, kanina, nang kukunin na ni Commander Macadatu ang mga uniporme na kani­lang pinatahi sa Carling’s Ori­ginal, agad na nagsidati­ngan ang mga pulis at sina­lakay ang talyer. (Malu Manar)

vuukle comment

ANG CARLING

AYON

COMMANDER MACADATU

CRUZ

KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN CITY POLICE

MALU MANAR

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PASCUAL PEROY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with