Drayber binaril sa ulo

RIZAL – Napagtripang barilin at napatay ang isang traysikel drayber ng kanyang pasahero sa madilim na bahagi ng Sitio Burol, Barangay San Juan, Taytay Rizal, kamakalawa ng gabi.

Sa ulo ang tama ng biktimang si Alejandro  Amulanon,  27,  may  asawa, ng E. G. Compound, Sitio Burol,  Brgy. San Juan. 

Ayon kay PO2 Joel Gamboa, sinasabing pasahero ng biktima na may dalang galon ng tubig ang pangunahing suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang pagkikilanlan ng suspek. (Ricky Tulipat)

Show comments