Gumimik, na-gang rape

Masaklap na kapalaran ang sinalubong ng isang 19-anyos na dalaga na sinasabing gumimik makipag-inu­man ng alak makaraang halayin ng tatlong ‘di-pa kilalang kala­lakihan sa talahibang sakop ng Brgy. Lourdes, Jaro District, Iloilo City kamakalawa ng gabi.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, dumayo ang biktimang itinago sa pangalan Ellen sa bahay-inuman sa Fort San Pedro area, Iloilo City.

Napag-alamang malalim na ang gabi nang umuwi  ang biktima sakay ng  pampasaherong jeepney kung saan may kasabay na tatlong ‘di-pa kilalang lalaki.

Gayon pa man, pag­sapit sa pa­nulukan E. Lopez  at Jalan­doni Street ay pi­na­hinto ng tatlong lalaki ang sasakyan saka pinagtulungang hilahin pababa ang biktima kung saan pinilahang halayin.

Nabatid na inabandona ng mga rapist ang biktima kung saan isang lalaking naparaan sa lugar ang tumulong kaya naipaabot sa himpilan ng pulisya ang krimen. (Joy Cantos)

Show comments