Wanted na mag-ama tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Hindi na nakawala sa kamay ng batas ang isang mag-ama na may kasong murder matapos mahuli kamakalawa ng mga kagawad ng pulisya.   

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Virgilio Alicuman, 49, at anak na si Redentor, 26, kapwa residente ng Gattaran, Cagayan. 

Ang mag-amang Alicuman na kapwa nakakulong ngayon sa Appari Provincial Jail ay nagtago sa batas matapos nilang pag­tulungan na pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang Bal­tazar Ballesteros limang taon na ang nakalilipas. (Victor Martin)

Show comments