4 na Kano todas sa NPA ambush
MANILA, Philippines - Kuwentong kutsero o gawa-gawa lamang ng mga rebeldeng New People’s Army ang ipinakalat ng mga itong balita sa You Tube sa internet na 12 miyembro ng elite Army Scout Ranger Com pany at apat na sundalong Amerikano na nagsasagawa ng survey operations kaugnay ng idaraos na RP-US Balikatan military exercises ang napatay sa pananambang ng mga rebelde sa Irosin, Sorsogon.
Ang nasabing balita ay ipinakalat kahapon sa You Tube ng Celso Minguez Command ng NPA na kumikilos sa Sorsogon.
Ayon kay Major General Jeffrey Sodusta, hepe ng 9th IB ng Philippine Army, kasinungalingan ito dahil noon pang Enero nagsagawa ng survey operations sa lugar ang tropang Kano kaugnay ng isasagawang RP- US Balikatan medical at humanitarian mission sa lalawigan sa darating na Abril 15-30.
Sa pahayag sa You Tube ng Celso Minguez Command, sinabi nito na matagumpay nilang napatay ang 12 miyembro ng elite forces ng Scout Ranger Company na kasama ang apat pa mula sa tropang Kano sa lugar noong Pebrero 15. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending



















