4 tiklo sa drug buy-bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 4-katao kabilang ang isang menor-de-edad matapos masakote ng pulisya sa isinagawang drug bust operation kamaka­lawa ng hapon sa bisinidad ng Barangay Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Edgar Villa, 20; Moises Aaron Ordoñes 19; Norvin Golecruz, 27, habang isinailalim na­man sa custody ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang menor-de-edad na suspek. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Marcos Rivero, na­kumpiska sa mga suspek ang anim na sachet ng pina­tuyong dahon ng marijuana, isang brick ng marijuana at motorisklo na sinasabing ginagamit ng mga suspek sa modus operandi. Boy Cruz

3 tiklo sa nakaw na kalabaw

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tat­long kalalakihan makaraang maaktuhan ng pulisya sa pag­nanakaw ng kalabaw na sinasabing pag-aari ni Paombong Mayor Donato Marcos kamakalawa ng gabi sa Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan. Pormal namang kina­su­han ng pulisya ang mga suspek na sina Jay Liberato, Marcelino De Leon, at si Martin De Leon na pawang mga residente ng BarangayTibag, Baliwag, Bulacan. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Allen Bantolo, naaresto ang tatlo matapos tumawag sa pulisya ang katiwala ni Mayor Marcos kaugnay sa nagaganap na na­kawan sa Marcos Compound. Kaagad naman ru­mesponde ang pulisya at naaktuhan ang tatlo na hila-hila ang kalabaw palabas ng compound. Boy Cruz

Biyudo inutas ng holdaper

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapa­tay ang isang 55-anyos na biyudo ng tatlong kala­laki­han na sinasabing holdaper kamakalawa ng gabi sa Ba­rangay Batang, Irosin, Sorsogon. Kinilala ng pulisya ang napa­tay na si Samson Morgia ng Barangay Gumapin. Mata­pos mapatay ang biktimang naglalakad ay tinangay ang belt bag at cell phone nito bago tumakas sakay ng motorsiklo (PX 2947) patungo sa direksyon ng Brgy. San Isidro. Ed Casulla

Nanlaban sa snatcher dinedo

RIZAL, Philippines  – Binaril at napatay ang isang 31-anyos na lalaki makaraang manlaban sa cellphone snatcher, kamakalawa ng umaga sa binisidad ng Sitio Maagay, Brgy. Inarawan, Antipolo City. Napuruhan sa ulo ng bala an baril ang biktimang si Rodel Abonales, 31, ng nabanggit na barangay. Base sa police report, lumilitaw na papasok sa kanyang trabaho ang biktimang nagti-text nang hablutin ang cellphone. May teorya ang pulisya na nan­laban ang biktima kaya ito binaril ng suspek. Nana­wagan naman ang mga residente sa pulisya na paigtingin ang pag­papatrulya dahil sa pagdami na ng mga holdaper na nam­bibiktima sa mga residente lalo na iyong mga inaabot ng han­ting­gabi o madaling-araw ang uwi o pasok sa trabaho. Danilo Garcia

Mister dinedo ng bayaw

DUMANGAS, Iloilo, Philippines - Pinaniniwalaang matinding selos ang umiral kaya pinagba­baril hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na mister ng kan­yang bayaw kahapon ng madaling-araw sa panulukan ng Del Pilar at Buenaflor Street sa bayan ng Dumangas, Iloilo. Napu­ruhan sa ulo at dibdib ang biktima na si Reynaldo Orbadilla ng Barangay Jardin sa bayan ng Dumangas habang naaresto naman ang suspek na si Reyland Depaloma, 42. Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, sinundan ng suspek ang biktima mula sa kanilang bahay at pagdating sa naturang lugar para mag­hintay ng sasakyan ay kaagad na pinagbabaril. Sa pagsisiyasat, lumilitaw na selos ang motibo ng suspek sa kapatid ng kanyang misis na sinasabing may relasyon ang mga ito. Napag-alaman na sa San Carlos City, Negros Occidental namamasukan ang suspek kaya’t madalas maiwan sa kanilang bahay ang asawa nito at bayaw. Joy Cantos

Show comments