^

Probinsiya

Guro kinasuhan sa pananakit

-

BATANGAS CITY, Philippines – Nasa balag ng alanganin ang isang elementary school science teacher matapos ireklamo ng mga magulang ng kanyang es­tudyante na sinasabing sinak­tan noong Lunes ng Enero 12 sa Batangas City, Batangas.

Sinampahan ng kauku­lang kaso ang suspek na si Segun­da Yolanda Cullar ng Barangay Cuta Journal, Ba­tangas City at substitute teacher ng Batangas City South Elementary School.

Inireklamo si Cullar mata­pos hampasin niya ng mati­gas na libro ang kan­yang es­tud­yanteng si John Daniel Ibon, kung saan nahuling tu­matawa ang bata habang na­kapila ang mga ito papalabas ng ka­nilang klasrum.

Base sa medical certificate na ipinalabas ni Dr. Oscar Perez, nagtamo si Ibon ng traumatic injuries sa kanyang kaliwang tenga at makaram­dam ng pag-ugong dahil sa pamamaga sa labas, kanal at gitnang bahagi ng tenga.

“Posibleng nagkaroon ng psychological effect sa bata ang pangyayari kaya kinaka­ila­ngan itong suma­ilalim sa theraphy,” dagdag pa ni Dr. Perez

 “Nahihiya na po akong pu­ma­sok kasi napahiya po ako sa mga kaklase ko,” pahayag ng biktima

Samantala, nagkasun­do ang dalawang partido na ipa­ga­gamot na lamang ni Cullar ang bata, subalit hindi natu­pad ang kanilang pinagkasun­duan na nag­bun­sod para itu­loy ang demanda ng pa­milya Ibon laban kay Cullar.

Sinikap namang kunin ng PSN ang pahayag ni Cullar su­ balit hindi ito makontak sa kan­yang cellphone. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

BARANGAY CUTA JOURNAL

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY SOUTH ELEMENTARY SCHOOL

CULLAR

DR. OSCAR PEREZ

DR. PEREZ

IBON

JOHN DANIEL IBON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with