Globe cell site pinasabog

Legazpi City, Albay – Isa na namang cell site ng Globe Telecoms ang pinasabog ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng gabi sa Barangay Bibingkahan, Sorsogon City.

Ayon sa tagapagsalita ng Camp Simeon Ola na si P/Supt. Eleazar Bron, naitala ang insidente dakong alas-7:35 ng gabi kung saan itinaon na walang guwardiya dahil sa bagong gawa pa lamang.

Samantala, tinangka ring pasabugin ng mga rebelde ang tower ng Sun cellular subali’t umatras ang mga ito nang mamataan ang presensya ng mga sundalo.

Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo ng pananabotahe. (Ed Casulla)

Show comments