^

Probinsiya

2 terorista nalambat

-

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dala­wang terorista sa isinaga­wang magkahiwalay na operasyon ng military sa Mindanao.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo, iprinisinta ni Executive Secretary Eduardo Ermita at ng mga opisyal ng Anti -Terrorism Council sa mediamen ang mga nasakoteng sus­pek na sina Omar Venancio, senior JI member sa Pilipi­nas  at Special Operations Group (SOG) ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) rogue elements Com­mander Ameril Umbra Kato at Mokasid Dilna ng Al Khobar extortion and bombing group.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 32 ng Mati Regional Trial Court Branch 32 sa Davao Oriental, inaresto si Venancio ng mga tauhan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Army Intelligence at PNP sa bahagi ng Central Mindanao.

Nabatid na si Venancio na sinasabing kaalyado rin ni Dilna na nagturo sa paggawa ng bomba noong 1997 at tumatayong adviser nito ay kasamahan din ni JI member Umar Patek, na sangkot sa madugong Bali bombing sa Indonesia noong Oktubre 12, 2002 na ikinasawi ng 202-katao.

Samantala, si Mokasid, na gumagamit ng mga alyas “Abu Badrin, Moks, Ting Adil atbp. ay pinuno ng Al Kho­bar extortion gang na sang­kot sa serye ng pambo­bomba sa Central Mindanao simula pa noong 2007.

Si Mokasid ay nasakote sa Zamboanga City noong Enero 29 subalit hindi kaagad naiprisinta sa mediamen dahil kailangan pa silang isailalim sa tactital interrogation.

Kabilang sa kina­sang­kutan ng grupo ni Mokasid ay ang pambobomba sa terminal ng Weena, Yellow Bus Lines at Metro Shuttle companies sa mga lungsod ng Davao at Cotabato.

Patuloy namang isina­sailalim sa masusing tactical interrogation and dalawang terorista. Joy Cantos at Malu Manar

ABU BADRIN

AL KHO

AL KHOBAR

AMERIL UMBRA KATO

ARMY INTELLIGENCE

CAMP AGUINALDO

CENTRAL MINDANAO

DAVAO ORIENTAL

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with