^

Probinsiya

2 holdaper utas sa barilan

- Nina Dino Balabo at Boy Cruz -

BULACAN, Philippines– Dalawang armadong kalalakihan na sinasabing nangholdap sa rice center na pag-aari ni ex- NCRPO chief General Vidal Querol, ang iniulat na napas­lang makaraang makipag­barilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Sa­bang sa bayan ng Baliuag, Bula­can kamakalawa ng gabi.

Isa sa napatay ay naki­lalang si Ronnie Itura, 40, tubong Madalag, Aklan, habang bineberipika pa ang pagkikilanlan ng isa.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Allen Ban­tolo, Bulacan police director, lumilitaw na magsasara na sana ang Marah Rice Center na pag-aari ng pamilya Querol nang holdapin ng mga armadong kalalakihan.

Nagkataon namang nag­papatrolya ang mga tauhan ni P/Supt. Manaranay Lopez ng 306th Police Provincial Mobile Group at namataan ang mga armadong kalala­kihan na papatakas bitbit ang nakulimbat.

Dito na nakipagbarilan ang mga holdaper laban sa tumutugis na mga operatiba hanggang sa mapatay ang dalawa habang sugatan naman ang isa pa na si Richard Sto. Tomas na ngayon ay nasa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos City.

Si Sto. Tomas, ay tina­maan ng ligaw na bala ng baril habang nagaganap ang shootout at sinasabing hindi kasama sa mga nang­holdap sa rice center ni Que­rol, su­balit minomonitor at binaban­tayan ng pulisya ang nasa­bing ospital kung saan gina­ga­mot ang sugatang si Sto. Tomas.

Narekober ng mga pulis ang kinulimbat na P84,000, dalawang motorsiklo, dala­wang baril, at isang granada na ginamit ng dala­wa. Dagdag ulat ni Joy Cantos

ALLEN BAN

BARANGAY SA

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

GENERAL VIDAL QUEROL

JOY CANTOS

MALOLOS CITY

MANARANAY LOPEZ

SHY

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with