P2M ari-arian naabo
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinaniniwalaang nag-init ang talop na linya ng kuryente kaya nasunog ang P2 milyong ari-arian sa Barangay San Antonio sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.
Bandang ala-1:45 ng madaling-araw nang kumalat ang apoy sa tahanan na pag-aari ni Antonio Velasco na may negosyong catering. Umabot sa dalawang oras ang sunog bago maapula ng mga tauhan ng pamatay-sunog.
Wala naman iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog habang patuloy ang imbestigasyon. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending