^

Probinsiya

Marijuana sa ukay-ukay

- Ronilo Pamonag -

ILOILO CITY – Masu­sing minomonitor ng mga tauhan ng lokal na ahensya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis-Passi ang bagong istilo ng sindikato ng droga na gina­gamit ang bultu-bultong ukay-ukay para maipuslit ang bawal na gamot.

Ito ay matapos maka­dis­kubre nang 150 gramo ng pina­tu­yong dahon ng marijuana sa panindang punda ng unan na naka­halo sa iba pang household linen mula sa ukay-ukay.

Sa salaysay ng vendor na si Evelyn Palomaria ng Barangay Man-it na inakala niyang herbal medicines lamang ang nakitang mga dahon at kinalaunan ay nagsuspetsa siya sa kaka­ibang amoy kaya ipinag­bi­gay alam niya sa kinau­ukulan hanggang sa kum­pirmahin ng pulisya na marijuana ang mga ito.

Nang imbestigahan sa presinto, sinabi ni Paloma­ria na nakuha nila ang supply ng mga ukay-ukay noon pang Lunes mula sa isang alyas John Ko ng Mandur­riao District at kahapon lang binuk­san matapos maubos ang mga paninda nito.

Sinabi naman ni P/ Supt. Mariano Palmes, Passi police director, na hindi sa­sam­­pahan ng anumang kaso si Palomaria dahil tiyak na hindi para sa kanya ang na­kuhang marijuana.

May teorya ang pulisya na sinusubukan ng sindi­kato kung saan ligtas na idaan ang kanilang kontra­bando dahil hindi gaanong sinusuri ang saku-sakong ukay-ukay sa mga pan­talan.

BARANGAY MAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EVELYN PALOMARIA

JOHN KO

MANDUR

MARIANO PALMES

PASSI

SHY

UKAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with