8 NPA patay sa laban
May walong miyembro ng New People’s Army ang napaslang habang siyam pa ang nasugatan na nagresulta rin sa pagkakakubkob ng isang kampo ng mga rebeldeng komunista sa pagpapatuloy ng operasyon ng militar sa Barangay Bakong, Tulunan, North Cotabato, ayon sa opisyal kahapon. Isa sa napatay na rebelde ay kinilalang si Jurex Montalban alyas Ka Budoy. (Joy Cantos)
Bihag pinalaya
Pinalaya na ng Moro National Liberation Front ang biktimang si Ahmad Salih Ilang ng Kansangayan Foundation Inc. kahapon ng umaga at iniwan ito sa Brgy. Upper Mahayahay, Basilan, habang naiwan ang kasama nitong si Leah Laping. Dinukot ang mga biktima noong Martes ng gabi. (Joy Cantos)
Pugante tiklo
DASMARIÑAS, CAVITE – Nasakote ng pulisya ang puganteng si Jon Jon Paler, 21, nang maaktuhang nagnanakaw sa tindahan ng biktimang si Brgy. Konsehal Ulysses Olivay dakong alas-2:30 ng madaling-araw kahapon sa bayang ito. Natuklasan na dati itong preso na tumakas sa Cavite Provincial Jail noong nakaraang buwan. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending