^

Probinsiya

Nakadispalko, nag-suicide

-

Pinaniniwalaang nata­kot na ipakulong ng kani­yang amo dahil sa pagka­dispalko ng malaking hala­ga, isang sekretarya ng kom­panya ang iniulat na nag-suicide sa pamama­gitan ng pagbaril sa ulo sa bisi­nidad ng Molo, Iloilo City, Iloilo, kama­kalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang Julie Fe, 27, ng Zone 3, Molo, Iloilo City.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagpakamatay ang sekretarya sa loob mismo ng pinagtatrabahuhang Royal Builders Supply sa Valeria St., sa Iloilo City.

Napag-alamang nabu­king ng kanyang among si Raymond Coo, may-ari ng nasabing kompanya ang pag­kawala ng malaking ha­laga kung saan ang bik­tima ang sinasabing huma­hawak.

Bunga nito, nagpunta si Coo sa himpilan ng pulisya upang ipa-blotter at im­bestigahan ang pagkawala ng malaking halaga.

Kasunod nito, pagbalik ni Coo sa kanyang kom­panya ay bumulaga ang du­guang katawan ng biktima.

May teorya ang pulisya na natakot makulong ang biktima at dahil sa kahi­hiyang idudulot ay nagde­sisyong mag-suicide. Joy Cantos

vuukle comment

BATAY

CAMP CRAME

ILOILO CITY

JOY CANTOS

JULIE FE

MOLO

RAYMOND COO

ROYAL BUILDERS SUPPLY

SHY

VALERIA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with