^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

3 pulis todas sa NPA

Napaslang ang hepe ng pulisya at dalawa nitong tauhan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa highway na sakop ng bayan ng Bansalan, Davao del Sur kahapon ng tanghali. Kabilang sa mga na­ paslang ay sina P/Senior Inspector Emilex Ma­ba­lot, hepe ng pulisya sa bayan ng Bansalan; PO2 Vernie Louis Humol at si PO3 Noel Salces, habang nasugatan naman si SPO4 Efren Suico. Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Cesario Daran­tinao na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pa­na­nam­bang sa bisinidad ng Sitio Ba­lagonon, Brgy. Managa kung saan sakay ng patrol car ang mga biktima pabalik na sa himpilan ng pulisya mula sa isang Brgy. sa nabanggit na bayan. Sa nasabing pag-atake ay hindi tinamaan ang drayber ng patrol car at ang isang intelligence officer ng Bansalan MPS makaraang makipag­barilan sa mga rebelde na sinasabing mga tauhan ni Alyas Kumander Jasmin ng Front Committee 51. (Joy Cantos)

Pulis- Pangasinan itinumba

PANGASINAN – Napatay ang isang alagad ng batas habang sugatan naman ang nakabarilan ng una sa para­dahan ng sabungan sa Barangay San Aurelio 1st sa bayan ng Balungao, Pangasinan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang nasawi na si SPO1 Rufo Dalisay, 44, ng Pangasinan PNP provincial office sa bayan ng Lin­gayen, habang naaresto naman ang sugatang suspek na si Ronald Pine. Sa inisyal na pagsisiyasat, ang biktima at isa nitong kaibigan ay papasakay na sa kotse nang lapitan at barilin ng suspek. Napag-alamang bago ma­patay ang biktima ay nabaril nito ang suspek sa liku­rang bahagi ng katawan. (Cesar Ramirez)

P10M kontrabando nasabat

Subic bay Freeport – Tinatayang aabot sa P10 milyong kontrabando ang nasabat ng mga tauhan ng Presidential Anti Smuggling Group-Task Force Subic kamakalawa sa Tipo Gate, Subic, Olongapo City. Sa ulat na nakarating kay PASG-TFS deputy director Edmund Arugay, lulan ng da­lawang 10-wheeler truck (CWY 101 at CVB 564) ang tang­kang pagpuslit ng imported na tela nang nasabat. Na­pag-alamang idineklarang assorted scarp ang kontrabando subalit nang suriin ng mga operatiba ng PASG-TFS ay pawang imported textile na pag-aari ni Neil Perez ng Brgy. Dona sa bayan ng Orani, Bataan. (Alex Galang)

Grenade blast: Bata utas

Napaaga ang salubong ni Kamatayan sa isang 12-anyos na lalaki habang nasa kritikal naman ang kapatid nitong 2-anyos na babae makaraang sumabog ang granada na pinaglaruan ng mag-utol sa Don Marcelino, Davao de Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jerry Pangilan, habang ginagamot na­man sa Casuga Medical Clinic sa bayan ng Malaita ang utol na si May-May na kapwa residente ng Sitio Cala­masan sa Brgy. Dalupan. Ayon sa imbestigasyon, napulot ni Jerry ang nasabing rifle grenade sa masukal na bahagi ng naturang lugar. Bunga ng kamusmusan ay inakala ng bata na laruan lamang ang granada kaya inuwi at pinag­laruan. Gayon pa man, biglang sumam­bulat ang Granada kaya nalasog ang katawan ni Jerry at nadamay ang kan­yang kapatid na babae. (Joy Cantos)

ALEX GALANG

ALYAS KUMANDER JASMIN

BANSALAN

BARANGAY SAN AURELIO

BAYAN

BRGY

JOY CANTOS

PANGASINAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with