^

Probinsiya

Mister piniko ni misis, patay

- Joy Cantos -

Sumabog ang kinikim­kim na galit ng isang 43-anyos na misis makaraang hatawin ng piko sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa mapatay ang kanyang mister habang natutulog sa loob ng ka­nilang tahanan sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur kamakalawa.

Nakatirik pa ang mga mata ng biktimang si Anas­tacio Gumahid sa tinamong tatlong tama ng piko sa ulo at puson.

Kalaboso naman ang suspek na si Susana Gu­ma­hid, may pitong anak at resi­dente ng Sitio Mali­gaya, Si­noron, sa bayang nabanggit.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang kri­men kamakalawa matapos na samantalahin ng sus­pek, na ang kanyang mister ay senglot at mahim­bing na natutulog.

Nang masigurong patay na ang biktima ay itinapon pa ng suspek sa sapa ang bangkay nito malapit la­mang sa kanilang tahanan.

Sa presinto, sinabi ng suspek sa mga imbestiga­dor ng pulisya na inunahan lamang niya ang biktima matapos siyang pagban­taang papatayin.

Napag-alamang tinang­kang lasunin ng biktima ang kanyang misis noong Biyernes ng Enero 30.

Nabatid pa na sa tuwing malalasing ang biktima ay palagi nitong ginugulpi ang kaniyang misis at bukod dito ay marami itong rekord sa panggugulo sa naturang barangay.

Kasalukuyan pang ini­imbestigahan ng pulisya ang krimen.

BATAY

BIYERNES

CAMP CRAME

CRUZ

DAVAO

ENERO

GUMAHID

SHY

SITIO MALI

SUSANA GU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with