Taga-Cavite nagmartsa

CAVITE – Humigit-kumulang sa 5,000 katao ang nagmartsa sa kalsada upang kondenahin at tutulan ang isasagawang pagbuwag sa mga bahayan, saprahan at tahungan Coastal Bay sa Cavite kahapon ng umaga.

Nag-ipun ipon sa Free Park ng Brgy. Mabolo, Bacoor ang mga grupo ng mangingisda at mga urban poor residents mula sa bayan ng Kawit, Cavite City, Noveleta, Binakayan, Tanza at Bacoor.

Layunin ng mga ralista na tutulan ang nasabing pro­ yekto na kung saan ay sumisigaw sila ng” Ilantad at la­banan ang huwad na programa ng Gobyerno na nag­lalayong pumatay sa kanilang hanapbuhay at paninirahan sa kanilang kinalalagyan. (Cristina Timbang)

Show comments