CAVITE – Napatay ang ginang na si Primitiva Olaes, 58, habang kritikal naman ang anak nitong si Lucienne Olaes, 23, dalaga, matapos silang saksakin at pagnakawan ng suspek na si Rajesth Rimando, 27, dakong ala- 1:30 ng madaling-araw kahapon sa Brgy San Agustin 2, Dasmariñas, Cavite.
Ayon sa pulisya, posibleng pagnanakaw ang motibo ng suspek kung saan agad din nadakip sa isinagawang follow-up operation sa bahay nito. (Cristina Timbang)