^

Probinsiya

BI nagbukas ng satellite office sa Cabanatuan

-

Upang mapalapit sa tao at hindi na mahirapan pang lumuwas sa May­nila, nagbukas kahapon ang Bureau of Immigration (BI) ng  pang-anim na satellite office sa Cabanatuan City.

Ayon kay BI Commis­isoner Marcelino Liba­nan, dinaluhan ang nasa­bing okasyon ng ibat-ibang opisyal ng Cabana­tuan city sa pangunguna ni Mayor Alvin Vergara, Vice-Mayor Mariues Garcia at iba pang opis­yal mula sa gobyerno at pribadong sektor.

Nabatid na nagka­roon ng memorandum of agreement si Libanan at Vergara kung saan na­ka­saad na mag­ka­karoon sila ng pag­tu­tulungan sa pamama­hagi ng impor­masyon upang mahika­yat ang mga dayuhan sa kani­lang lugar na sumu­nod sa immigration law.

Layunin umano ng bagong satellite office na maging accessible sa mga dayuhan na nanini­rahan sa Cabanatuan at sa mga karatig lalawigan sa Central Luzon.

Ito ay dahil sa napuna umano ni Libanan na nitong nakaraang taon ay tumaas ang bilang ng mga dayuhan sa Central Luzon kabilang dito ang mga turista at investors na pu­mapasok sa ne­gosyo upang makapag­bigay ng trabaho at ma­pag­kakaki­taan sa mga residente dito.

Idinagdag pa ni Liba­nan na ang mga da­yuhan na malapit sa Caba­natuan ay hindi na mag­bi­biyahe pa ng ma­tagal patungo sa Maynila o sa Clark at Subic upang mag-proseso ng kanilang mga papeles.

Nauna nang magbu­kas ng BI satellite office sa mga lugar ng Taytay, Rizal, Sta. Rosa Laguna, Caloo­can City at sa China­town mall sa Para­ñaque City. Maglalagay rin ang BI ng tanggapan sa Quezon City. (Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CABANATUAN CITY

CENTRAL LUZON

LIBANAN

MARCELINO LIBA

MAYOR ALVIN VERGARA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with