3 sekyu dedo sa car crash

Batangas City – Tatlong guwardiyang sakay ng isang AUV at back-up vehicle ng isang armoured van ang namatay matapos sumalpok ang kanilang sasakyan sa kasalubong na bus sa kahabaan ng Diversion Road sa lunsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni Superintendent Manuel Abu, Batangas City police chief ang mga nasawing biktima na sina Virgilio Jurado ng Barangay Libis, UP Campus, Quezon City; Louie Espal­don ng Bulacan; at Taka Tingangao ng Taylo St. Pasay City na pawang empleyado ng Gamilla Security Agency.

Ayon sa report, sakay ng isang Mitsubishi Adventure ang tatlong guwardiya patungo sana sa Batangas City nang bumangga sa kasalubong na Manila bound Alps Bus sa kahabaan ng national road sa Barangay Balagtas bandang alas- 10:30 ng umaga. (Arnell Ozaeta)

Show comments