Dalaga tinodas ng nobyo
Pinagsasaksak at napatay ng binatang si Christian Pamaso ang kasintahan niyang si Geraldine Montejo at ama nitong si Gregorio habang sugatan ang ina ng dalaga nang magwala ang suspek sa pagtanggi ng matatandang Montejo sa relasyon niya sa anak ng mga ito.
Nakulong naman si Pamaso matapos maaresto ng pinagsanib na elemento ng Sta. Cruz Police at 39th Infantry Battalion ng Philippine Army habang papatakas.
Naganap ang pamamaslang sa bahay ng mga biktima sa Barangay Corononm Sta. Cruz, Davao del Sur bandang alas-6:00 ng umaga.
Dinalaw ni Pamaso si Geraldine pero tahasan siyang pinagsabihan ng mga magulang ng huli na hindi nila ito gusto para sa kanilang anak kaya mas mabuti pang maghi walay na lamang ang mga ito.
Hindi umano naibigan ni Pamaso ang pag-ayaw sa kanilang relasyon ng kasintahang si Geraldine ng mismong mga magulang nito.
Nainsulto si Pamaso nang sabihan siya na mahirap lang siya at hindi niya kayang buhayin si Geraldine.
Nagtungo si Pamaso sa kusina, kumuha ng matalim na kutsilyo saka pinagsasaksak ang nobya gayundin ang ama at ina nito.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek subali’t nasukol ito ng mga nagrespondeng awtoridad. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending