2 pugante balik-selda

KIDAPAWAN CITY – Dalawa sa preso na sina­sabing pumuga sa Amas Provincial jail noong Peb­rero 2, 2007 ang naaresto ng mga awtoridad noong Sabado sa bayan ng Kaba­can, North Cotabato.

Kinilala ni P/Insp. Ge­rard Hernandez ng Kaba­can PNP, ang mga pugan­teng sina Larry Antelino na may dalawang kaso ng droga at Simplicio Tomboc ng Barangay Tungol sa Datu Montawal, Maguin­danao.

Sina Antelino at Tomboc ay isinasangkot sa holda­pan noong Sabado ng ha­pon kung saan nalimas ang mga cell phone at ma­laking halaga ng mga bik­timang sina Bernard Gal­vez at Joseph Bermudez, na hinarang ng mga sus­pek sa Lapu-Lapu Street sa Poblacion.

Agad naman naipaabot sa kinauukulan ang insi­dente kaya nadakip ang da­lawa sa isinagawang follow-up operation kung saan may ilang oras din nagkahabulan.

Napag-alamang na­unang nasakote ng mga ta­uhan ni P/Supt. Alex Tagum ang puganteng si Noel Pedtamanan sa bayan ng Kabacan noong Huwe­bes. (Malu Cadelina Manar)

Show comments