^

Probinsiya

P2M sa tipster ng top leader ng NPA

-

CAMP MELCHOR DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Instant millionaire ang sibil­yang tipster na nagbigay ng impor­masyon sa tropa ng militar sa pagka­ka­aresto sa isang top wanted na lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa Northern Luzon.

Sa simpleng seremonya kahapon ng umaga sa Camp Aquino, Tarlac City,  personal na iniaabot ni AFP- Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Isagani Cachuela, ang  P2 milyon sa tipster na naka­ta­luk­bong pa ang mukha para na rin sa seguridad nito.

Ang nasabing tipster na nagbigay ng impormasyon para madakip si Randy Felix Malayap (alyas Ka Panyo, Tonyo, James at Edu) ay na­dakma sa bisini­dad ng Ortigas Extension, Brgy. Malik, Cainta, Rizal noong Mayo 15, 2008.

Si Malayap na dating student leader sa University of the Phils. ay tuma­tayong deputy secretary ng Northeast Luzon Regional Committee, na pinuno ng education committee at guma­mit ng pangalang Salvador del Pueblo bilang alyas ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest ng korte sa Tugue­garao City sa kasong murder, at frustrated murder.

Pinaniniwalaan ding sang­kot si Malayap sa pag­patay kay dating Cagayan Governor Ro­dolfo Agui­naldo, pananam­bang sa mga sundalo ng Philippine Army sa San Mariano, Isa­bela, at pag-ambush sa ne­gosyan­teng si Benjamin “Rigor” Olalia Jr.

Magugunita na noong 2008 ay nasakote rin ng Army Intelligence si Elizabeth Prin­cipe na tuma­ta­yong secretary ng NELRC na may patong sa ulo na P5 milyon. (Victor Martin)

ARMY INTELLIGENCE

CAGAYAN GOVERNOR RO

CAMP AQUINO

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

ELIZABETH PRIN

ISAGANI CACHUELA

KA PANYO

NORTHEAST LUZON REGIONAL COMMITTEE

NORTHERN LUZON

NORTHERN LUZON COMMAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with