Sinulog suicide

Dahil sa kabiguang ma­kadalo sa Sinulog Festival, nagbigti ang isang 27-anyos na mister sa kani­lang tahanan sa Brgy. Asa­wang Calero, Cebu City, Cebu kamakalawa. 

Kinilala ang biktima  na si Rolando Canoy ng Tu­paz Street sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Cra­me, bago nag-suicide ay na­kiusap si Canoy ng kani­yang mga magulang na dadalo sa Sinulog kaug­nay ng kapiyestahan ng Sto. Niño sa Cebu noong Ling­go ng Enero 18.

Gayon pa man, dahil sa walang maiiwang tao sa kanilang bahay ay hindi ito pinayagang umalis ng ka­niyang mga magulang.

Matapos ang okasyon, nang umuwi ang mga ka­sambahay ng biktima mula sa pagdalo sa Si­ nulog festival ay laking gulat ng mga ito nang makitang naka­bitin na ang biktima sa ki­same ng kanilang bahay. 

May teorya ang mga ma­gulang, na nagtampo si Ca­noy nang hindi siya pa­ya­gang sumama sa mga bar­kada upang manood ng ka­pistahan dahil sa pa­ngam­bang masangkot ito sa gulo.

Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa pag­papakamatay ng bik­tima. (Joy Cantos)

Show comments