^

Probinsiya

Dinukot na coed laya na

-

Dalawang araw matapos na dukutin, pinalaya na ang isang 20-anyos na dalagang estudyante ng Ateneo de Zam­ boanga University sa Zamboanga City, kahapon. Sa ulat ng Zamboanga City PNP na isinumite sa Camp Crame, naka­piring pa ang mga mata, nakagapos ang mga kamay at naka­suot pa ng school uniform nang matagpuan bandang alas-11 ng umaga ng traysikel drayber sa Roseller Lim Blvd. ang biktimang si Jenny Manalo ng Brgy. Putik. Sa salaysay ng biktima sa pulisya, dinukot siya  ng mga armadong kala­lakihan na Yakan (lenguwahe ng Muslim) ang salita noong Huwebes matapos siyang puwersahang isakay sa van habang naglalakad patungo sa kanilang unibersidad. Ayon sa opisyal, hindi nila itinuturing ang insidente bilang isang kaso ng kidnap-for-ransom dahil walang hininging ransom ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa estudyante. Joy Cantos

Inhinyero itinumba

BULACAN – Isang 50-anyos na inhinyero ang iniulat na na­­pas­lang makaraang ratratin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kamakalawa. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Carlito Cruz ng Phase 2, Block11, Lot 32, Magnolia Street, Grand Royal Subd. sa nabanggit na barangay. Base sa police report, nagpapa­hangin ang biktima sa harapan ng kan­yang bahay nang maganap ang pamamaslang. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya, ang motibong may kinalaman sa pagi­ging kontratista ng biktima sa nabanggit na lugar. Romeo “Boy” Cruz

Shootout: 2 holdaper utas

CABANATUAN CITY – Dalawa sa tatlong kalalakihan na sina­sa­bing notoryus na holdaper ang napatay sa pakikipagbarilan sa mga alagad ng batas sa bisinidad ng Purok 4, Barangay Sapang sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Eliseo Cruz, hepe ng Cabanatuan PNP, ang dalawa na sina Anthony Palencia, 30, ng Barangay Sapang at isang alyas Ferdie ng Jaen, Nueva Ecija. Base sa police report, hinoldap at pinatay ng mga suspek ang vegetable dealer na si Luisito Gonzales sa Barangay Concepcion. Sa follow-up operation natunton ang grupo ng mga holdaper na humantong sa shootout Narekober ang dalawang baril at motorsiklo na ginamit ng grupo.Christian Ryan Sta. Ana

vuukle comment

ANTHONY PALENCIA

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY CONCEPCION

BARANGAY SAPANG

CABANATUAN CITY

CAMP CRAME

NUEVA ECIJA

SHY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with