^

Probinsiya

5 todas sa road mishap

-

LINGAYEN, Pangasinan – Lima-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkakahiwalay na sakuna kamalawala ng gabi sa Dagupan City, Pangasinan.

Base sa police report, ang mga biktimang sina Victoriano Nejal at Rufino Osian na kapwa naninirahan sa Brgy. Ba­naoang, Sta. Barbara, ay namatay matapos masalpok ang ka­nilang traysikel ng Isuzu truck na minamanehgo ni Christopher de Guzman sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Maningding.

Samantala, bandang alas-9 ng gabi nang karitin ni ka­matayan sina Dioniso Tamondong at Marlon Mendoza na ka­pwa naninirahan sa Brgy. Manzon, San Carlos City mata­pos masalpok ang kanilang traysikel ng ‘di-pa nabatid na sasakyan sa kahabaan ng Mac Arthur Highway sa Bonuan Boquig, Dagupan City.

Kasunod nito, dalawang oras pa lamang ang nakalipas ay sinalubong naman ni kamatayan si Lolita Mayuga, 65, ng Brgy. Palapad, San Fabian, matapos mabangga ang sina­sak­yang traysikel ng kasalubong na motorsiklo sa Sitio Ta­culit, Brgy. Angio sa bayan ng San Fabian. Kri­ti­kal naman sa ospital ang kasamahan ni Lolita na sina Lauro Toquero, 68; at Nida Mayuga, 42. Eva Visperas at Joy Cantos

vuukle comment

BONUAN BOQUIG

BRGY

DAGUPAN CITY

DIONISO TAMONDONG

EVA VISPERAS

JOY CANTOS

LAURO TOQUERO

LOLITA MAYUGA

SAN FABIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with