Bata patay sa longganisa

NUEVA ECIJA – Na­ging mitsa ng buhay ng isang 7-anyos na lalaki ang pagtikim nito ng longganisa na school project ng kani­yang nakata­tandang utol na babae sa Barangay Ma­ligaya sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija noong Lunes.

Kinilala ni P/Senior Supt. Ricardo Marquez, officer-in-charge ng Nueva Ecija PNP, ang nasawi na si Joevan Ganado, grade 1 pupil; ha­bang isinugod naman sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital Extension ang kan­yang dalawang utol na sina Mi­chelle Ganado, 16; 4th year high school; at Karen Joy, 9, grade 3 pupil.

Nabatid na ang longga­nisa ay school project ni Novelyn Ganado, 15, at 3rd year sa Sto. Domingo National Trade School, sa Brgy. Baloc, na kanyang iniuwi at iniluto para pag­saluhan sa hapunan.

Gayon pa man, maka­raan ang ilang oras ay nahilo at na­ hi­rapang hu­minga ang magkakapatid kaya isinugod ang mga ito sa nasabing ospital.

Hindi naman kinaya ni Joevan ang lason sa ka­ta­ wan at dahil sa matinding sa­kit ng tiyan ay namatay ha­bang ginagamot.

Pinaiimbestigahan na ni Antonio Castro, principal ng paaralan, ang insidente na kau­na-unahang food poisoning sa kanilang pa­aralan at umaasa silang hindi na mu­ling mauulit.

Nabatid na ang longga­nisa project ay isinagawa sa Technical Vocational Education subject sa ilalim ni Marlina Hilario.

May teorya ang pulisya na hindi gaanong naban­tayan ng guro ang kanyang mga mag-aaral sa pagpro­seso ng long­ga­nisa. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments