^

Probinsiya

Pag-upo ng Candelaria mayor naudlot

-

Naudlot ang takdang pag-proklama ng Commission on Elections (Co­melec) kay Lakas Mayor David Emralino ng Can­delaria, Quezon. Sinabi ni Emralino sa isang presscon sa Quezon City na bagamat naatasan na ng Comelec Manila noong Oktubre 2008 ang Quezon Provincial Co­melec na iproklama si Emralino bilang nanalong kandidato sa pagka-alkalde ng Candelaria noong 2007 local elections, hindi ito natuloy dahil sa kapabayaan umano ng mga hukom sa lalawigan.

Si Emralino ay nag­sampa ng election protest sa Comelec noong 2007. Umaabot sa 215 precints ang Candelaria, 89 na presinto ay hindi pinasama ng Comelec sa recounting dahil sa umano’y iregula­ridad at dayaan. Sa 126 precints, lumalabas umano na panalo si Emralino ng botong 1,700 laban sa kasalukuyang umuupong Mayor na si Bong Mali­wanag. Sinabi ni Emralino na ang pagkakaantala ng pagproklama sa kanya ay kabiguan na mabigyan siya ng hustisya kaugnay ng naisampa niyang electoral protest. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BONG MALI

CANDELARIA

COMELEC

COMELEC MANILA

EMRALINO

LAKAS MAYOR DAVID EMRALINO

QUEZON CITY

QUEZON PROVINCIAL CO

SI EMRALINO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with