P.9M gamit-medikal ninakaw

BATANGAS CITY – Tina­tayang aabot sa P.900-milyong halaga ng mga medical equipment mula sa Batangas Regio­nal Hospital ang iniulat na nina­kaw ng mga di-pa kilalang kalala­ki­han kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Dr. Renato Dima­ yuga, director ng BRH, nina­kaw ang tatlo sa 10-cardiac monitor na nagkaka­halaga ng P.3 milyon bawat isa.

Lumitaw sa imbestigas­yon na nakapasok ang tatlo hang­gang apat-katao sa kisame ng ospital at lumabas sa loob mis­mo ng ICU room kung saan na­ka­tago ang mga medical equipment.

Nadiskubre ang pagka­wala ng mga gamit-medikal nang may kukumpunihin sana ang isang engineering staff ng os­ pital sa ICU room.

May teorya si P/Supt. Ma­nuel Abu, hepe ng pu­lisya sa Batangas na inside job ang isa sa anggulo ng nakawan kaya nag-utos ito na isailalim sa im­besti­gas­yon ang mga kawani at construction worker na nag­ta­trabaho sa annex building ng ospital.

Ayon kay Dr. Dimayuga, na­katakda sanang inagura­han sa Pebrero 14 (Valen­tine’s Day) ang bagong gawang ICU room na may 10 yunit ng cardiac monitor.

Minomonitor naman ng pu­lisya ang ibang ospital sa Ba­tangas at karatig pook na po­sib­ leng pagbentahan ng mga ninakaw na cardiac monitor. Arnell Ozaeta

Show comments