^

Probinsiya

Bank owner dinukot

-

Isa na namang kaso ng kidnapping ang naitala sa Surigao del Norte maka­raang dukutin  ang may-ari ng ban­ ko ng mga arma­dong kalala­kihan sa Ceni­za Heights Sub­division sa Surigao City noong Miyer­kules ng gabi. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Johnson Cuiting, owner-manager ng Rural Bank of Placer sa Surigao City.

Sa phone interview, sinabi ni P/Insp. Alejandro Resimo, hepe ng Placer PNP, naitala ang insidente sa pagitan ng alas-9 at alas-10 ng gabi sa ba­hay mismo ni Cuiting sa nasa­bing subdivision.

Base sa police report, ka­sa­lukuyang papasok na si Cuiting sa gate ng kan­yang ta­hanan nang hara­ngin ng mga armadong kalalakihan.

“Papasok na siya ng ba­hay, ‘dun siya inaba­ngan,” pahayag ni Resimo na sinabi pang dinala pa ang biktima sa loob ng kan­yang bahay, kung saan kinuha ng mga kidnaper ang ‘di-pa ma­batid na ha­laga ng alahas.

Matapos pagnakawan, isinakay ng mga kidnaper ang bank owner sa kan­yang sa­sak­yan na tumahak  patungo sa di-pa mabatid na lugar.

Sa isinagawang follow-up operations ng pulisya, nare­kober ang  sasakyan ng bik­tima na inabandona sa kaha­baan ng national highway na sakop ng Ba­rangay Sibog papasok ng bayan ng Placer.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pu­lisya. Joy Cantos

vuukle comment

ALEJANDRO RESIMO

CENI

HEIGHTS SUB

ISA

JOHNSON CUITING

JOY CANTOS

RURAL BANK OF PLACER

SHY

SURIGAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with