^

Probinsiya

Lover ni misis pinugutan

-

RIZAL – Pinagtataga at pinugutan pa ang isang mister na sinasabing may relasyon sa misis ng kan­yang kapitbahay na lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay San Jose sa ba­yan ng Baras, Rizal.

Kinilala ni P/Senior Supt. Ireneo Dordas, Rizal police director, ang biktima na si Benie Carlo Buella, 48, ng Sitio Tingting sa na­banggit na barangay.

Sumuko naman sa him­pilan ng pulisya ang sus­pek na si Malvar Relloma, 42, may asawa at kapit­ba­hay ni Buella.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen da­kong alas-7 ng gabi ha­bang nanonood ng telebis­yon ang biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Napag-alamang wina­sak ng suspek ang pintuan saka tinagpas ang ulo ng biktima na nakaupo la­mang sa sala.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, luma­labas na nagawang pas­langin ng suspek ang bik­tima dahil sa kumakalat na balitang may namumuong relasyon ang kanyang mi­sis at ang biktima.

Hindi naman pinagsi­sihan ng suspek ang na­gawang krimen dahil gi­nantihan lamang niya ang panloloko sa kanya ng bik­tima, ayon sa salaysay sa pulisya. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY SAN JOSE

BENIE CARLO BUELLA

BUELLA

EDWIN BALASA

IRENEO DORDAS

MALVAR RELLOMA

RIZAL

SENIOR SUPT

SHY

SITIO TINGTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with