12 MILF rebs utas sa air strike
Umaabot sa 12 rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades ang iniulat na napatay matapos na maglunsad ng air strike operations ang tropa ng militar sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat, ayon sa ulat kahapon.
Sa phone interview, sinabi ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Julieto Ando, na namonitor ng militar ang pagpapalakas ng puwersa ng MILF renegades umpisa pa nitong Lunes hanggang kahapon ng umaga sa bisinidad ng Brgy. Sangay at Paril sa Kalamansig. Napag-alamang patuloy na hinaharass ng MILF ang himpilan ng 63rd Division Reconnaissance Company (DRC) kaya naglunsad sila ng air strike operations.
“So the military used close air support to neutralized firing and prevent MILF moving near 63rd DRC position. Previously said MILF group attacked Barangay and looted motorcycles, working animals and personal belongings of the civilians,” pahayag ni Ando sa phone interview.
Nabatid na dalawang MG 520 attack helicopters ang nagpa pakawala ng rockets laban sa mga rebelde na pinamumunuan ni Kumander Jikiti ng 104th Base Command na sumakop sa Brgy. Paril at Sangay. Base sa intelligence report at impormasyon ng mga lokal opisyal aabot sa 12 rebelde ang nasawi samantalang dose-dosena naman ang sugatang nagsitakas. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending