Vice mayor inutas habang nagti-text

KIDAPAWAN CITY – Nagwakas ang serbisyo publiko ng isang vice mayor makaraang ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki habang nagti-text sa labas ng kani­lang tahanan sa Barangay Kati­ko sa bayan ng President  Quirino, Sultan Kuda­rat noong Lunes ng hapon.

Idineklarang patay sa Romualdez Katiko Hospital si Froilan Rufino,  bise al­kal­de sa nasabing bayan.

Ayon kay P/Senior Insp. Isabelo Rufino, chief of police ng President Quirino, nasa labas ng kanyang bahay si Vice Mayor Rufino at nagti-text nang lapitan ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

“He was apparently texting  to someone over her cell phone when the suspect came. One went down the motorcycle and fired,” pahayag naman ni P/Senior Supt. Benhur Mon­gao, Sultan Kudarat police director, sa phone interview

Napag-alaman pa na nakausap pa ni P/Senior Insp. Rufino, isang oras bago ang krimen, kung saan iginiit ng vice mayor na nais niya ng dagdag na security.

Isinasailalim pa sa ma­susing imbestigasyon ang krimen kung saan ang bik­tima ay pinsan mismo ni P/ Senior Inspector Isabelo Rufino.

“Our chief of police there, who is a cousin of the victim has yet to submit details of his investigation,” dagdag pa ng opisyal. (Malu Manar at Joy Cantos)

Show comments