^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

1 patay, 17 sugatan sa sakuna

LEGAZPI CITY, Albay – Kamatayan ang sumalubong sa isang bus konduktor habang 17 iba pa ang iniulat na nasugatan makaraang sumalpok sa likurang bahagi ng trailer truck ang pampasaherong bus sa kahabaan ng Andaya Highway Sr. sa Barangay Colacling sa bayan ng Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Glen Mercado, samantalang naisugod na­man sa ospital ang mga sugatang sina Allan Doringo, drayber; Maria Bongat, Graeme Chick, Oscar Anonuevo, Keesha Anonuevo, Gail Anonuevo, Emerlina Anonuevo, Crisencia Constante, Glory Maria Constante, Estelita Ra­ngasan, Lourdes Fernandez, Rosalita Lipon, Rey Co­les, Bernardo Palaje, Lolita Palaje, Rodolfo Dioneda, at si Fe Dieoneda. Batay sa ulat ng pulisya, naka­parada sa gi­lid ng highway ang trailer truck (XHG 945) ni Enrico Morata nang salpukin ng Raymund Bus (TXA 686). (Ed Casulla)

15 nadale ng diarrhea

CAMARINES NORTE – Aabot sa 15-katao kabilang ang apat na sanggol ang iniulat na na-ospital makaraang madale ng diarrhea sanhi ng kontaminadong tubig inumin sa Barangay Banocboc, Calaguas IsIands sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte. Sa isinagawang ocular inspection ng mga awtoridad lumalabas na isa sa dahilan ng diarrhea ay ang kawalan ng palikuran at pinagkukunan ng tubig inumin ay kinukuha lamang sa balon na sakop ng Purok 4 ng nabanggit na barangay. Ayon sa lokal na sangay ng Department of Health, walang outbreak ng diarrhea sa nabanggit na bayan. Pinayuhan ng mga opisyal ng provincial health unit ang mga residente na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at pakuluin muna ang tubig bago inumin. (Francis Elevado)

OFW dedo sa road mishap

BATANGAS – Isang 34-anyos na overseas Filipino workers (OFW) ang iniulat na nasawi samantalang su­ga­tan naman ang dalawa sa mga kasamahan nito maka­raang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na kotse sa kahabaan ng JP Laurel Street sa Barangay 11 sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Nilo Maitim, hepe ng pulisya sa Nasugbu, ang biktimang seaman na si Bernandy Rivera ng Barangay Binubusan, Lian, Batangas, na namatay ha­bang ginagamot sa Doctor’s General Hospital. Sugatan naman ang mga kaangkas sa motorsiklo na sina Angelito Johnson, 34, isa ring seaman at Lynevic Acedillo Ocampo, 45. Sa imbestigasyon, lumitaw na nawalan ng control sa motorsiklo (WN5738) si Rivera hanggang sa sumalpok sa kasalubong na Nissan Sedan (PLP-891) ni Engineer Ruelito Ocampo na kaagad naman tumakas matapos ang road mishap. (Arnell Ozaeta)

4 MILF rebs utas sa bakbakan

Apat na miyembro ng  pasaway na grupo ng Moro Islamic Liberation Front ang iniulat na nasawi samantalang dalawa naman militar ang nasugatan sa naganap na panibagong engkuwentro sa liblib na bahagi ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Batay sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ng Army’s 6th Infantry Division (ID), sumiklab ang sagupaan sa bahagi ng Brgy. Cabpangi sa bayan ng Pig­ kawayan. Ang sagupaan ay nag-ugat matapos na lusubin ng mga rebeldeng MILF ang nasabing lugar at puwersahang ki­nuha ang mga pagkain saka alagang hayop ng mga residente. Rumesponde naman ang tropa ng Army’s 6th Infantry Battalion (IB) ka­sama ang ilang Cafgu na nagresulta sa madugong bak­bakan. Umabot naman sa 209 residente ang napilitang lumi­kas  sa takot na maipit sa sagupaan habang nagpapa­tu­loy ang opensiba ng militar. (Joy Cantos)

Konsehal inutas dahil sa lupa

NUEVA ECIJA – Isang konsehal ng barangay ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki sa Barangay Panabingan ng bayan ng San Antonio, Nueva Ecija, kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija police director, nakilala ang biktimang si Kagawad Benito Velrio ng Barangay Panabingan. Nabatid na nakaupo at nakikipag-usap ang biktima sa labas ng sari-sari store ni Flora Arcangel nang lapitan at ratratin subalit nagmintis ang suspek. Nakatakbo pa ang biktima pero ang isa sa dalawa ay bumaba ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima sa ulo. Sinisilip ng mga awtoridad ang land dispute na sinasabing isa sa motibo ng krimen. (Christian Ryan Sta. Ana)

ALLAN DORINGO

ANDAYA HIGHWAY SR.

ANGELITO JOHNSON

ARNELL OZAETA

BARANGAY

BARANGAY PANABINGAN

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with