^

Probinsiya

1 todas, 1 sugatan sa gitgitan sa traysikel

- Edwin Balasa -

Rizal ­— Patay ang isang 23-anyos na lalaki ha­bang nasa malubhang kalagayan naman ang pin­san nito makaraang pagba­barilin sila ng mga kalala­kihang kanilang na­kagit­gitan sakay ng kani­lang mga traysikel kamaka­lawa ng gabi sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joly Berdin, may asawa habang patuloy namang inoobserbahan sa Pasig City General Hospital ang pinsan nitong si Jove Berdin, 23, pawang mga re­sidente ng Sam­pa­guita St., Sitio Lupang Arienda, Ba­rangay Sta. Ana.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang limang hindi pa kilalang mga suspek na siyang responsable sa pa­mamaril sa mga biktima.

Tinatahak ng pamilya Berdin lulan ng kanilang traysikel ang kahabaan ng Lupang Arienda upang mamasyal sana.

Nabatid na nakasabay nila ang traysikel na sina­sak­yan ng mga suspek at nagkaroon ng gitgitan sa kalsada.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lang hi­narang ng mga suspek ang traysikel na sinasakyan ng mga biktima sabay tutok ng baril sa drayber na si Jove.

Pinagsasampal muna ito sa harapan ng mga kaanak bago ito pinagba­baril. Hindi naman nakatiis si Joly sabay sugod sa mga suspek subalit pinagbabaril lang din ito bago mabilis na nagsitakas sakay ng ka­nilang traysikel ang mga salarin.

vuukle comment

BARANGAY STA

BERDIN

JOLY BERDIN

JOVE BERDIN

LUPANG ARIENDA

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

RIZAL

SHY

SITIO LUPANG ARIENDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with