^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Bomber gutay sa bomba, pulis sugatan

Nagutay ang katawan ng isang pedicab drayber na sinasabing bomb courier makaraang sumabog ng wala sa oras ang bombang dala  nito na ikinasugat din ng isang pulis na nagbabantay sa police detachment   sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi.

Batay sa report ni Army’s 601st Brigade Commander Col. Marlou Salazar, sinabi ni Army Spokesman Lt. Col. Romeo Brawner Jr., naganap ang insidente dakong alas – 6:30 ng gabi malapit sa checkpoint sa nasabing lugar.

Ayon naman kay P/Chief Supt. Felicisimo Khu, pinuno ng Task Force on Law Enforcement ng PNP-Region 12, posibleng nagkaroon ng technical malfunction ang IED kaya sumabog nang wala sa oras.   

Gayon pa man, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng pedicab drayber na nawasak ang katawan sa lakas ng pagsabog habang sugatan naman si PO2 Jose Galiano na naka-duty sa istasyon nang maganap ang pagsabog.

Batay sa report, kasalukuyang bumabagtas sa Cagal Bridge ang bomber na nagpepedicab na may lulang uling nang mangyari ang pagsabog. 

Natukoy naman na isang uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang sumabog na bomba sa loob ng pedicab na minamaneho ng bomb courier. (Joy Cantos at Malu Manar)

8 tiklo sa pot session

RIZAL – Sa rehas na bakal pagdiriwang ng Bagong Taon ang walong sibilyan kabilang na ang dalawang menor-de-edad makaraang maaresto ng pulisya sa pot session sa Marick Subd sa Barangay Sto. Domingo, San Mateo, Rizal kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina  Jayson Espinola, 21;  Reniel Pinga, 23; Jeypy  Dy, 20;  Michael Ao, 20; Jolan Castillo, 25; Bryan Pinga, 21; at  ang  dalawang binatilyo na may edad 16 at 17-anyos na pawang naninirahan sa nasabing barangay. Ayon kay P/ Supt.  Nereo  Torrecampo, hepe  ng  Cainta police, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa pot sesson ng mga suspek kaya sinalakay ang nasabing lugar. Hindi na nakapalag pa ang mga suspek matapos maaresto. (Edwin Balasa)

Trader utas sa holdaper

BATAAN – Malungkot na pagsalubong sa Bagong Taon ang nadama ng pamilya ng isang 35-anyos na negosyante makaraang mapatay sa saksak ng isang ‘di-pa kilalang lalaki na nanloob sa tindahan ng una sa kamakalawa ng hapon sa Barangay Culo sa bayan ng Dinalupihan, Bataan. Ang biktimang napuruhan sa tiyan ay kinilalang si Alicia Mañalac habang ginagamot naman sa Jose Payumo District Hospital ang anak na si Wish Bacaro na kapwa naninirahan sa Brgy. Sta. Isabel. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Manuel Gaerlan, provincial police director, pinasok ng ‘di-kilalang lalaki para pagnakawan ang Win Wish Trading na pag-aari ng mag-ina. Gayon pa man, pumalag si Alicia kaya nasaksak at nadamay rin ang kanyang anak. Hindi naman nabatid ng pulisya, ang halaga na nalimas ng kawatan. (Jonie Capalaran)

ALICIA MA

ARMY SPOKESMAN LT

AYON

BAGONG TAON

BARANGAY CULO

BARANGAY STO

BATAY

BRIGADE COMMANDER COL

BRYAN PINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with