Jailbreak: 4 preso tugis

Malawakang dragnet operation ang inilatag ng pulisya laban sa apat na presong pumuga mula Malalag Municipal Jail sa naganap na jailbreak noong Martes ng madaling-araw sa Davo del Sur.

Kinilala ni P/ Inspector Elmer Cabuslay, hepe ng pulisya sa bayan ng Malalag,  ang mga puganteng sina Francelito Laborte, 20, (kasong murder); Renante Daliba, 26, (kasong rape); Gilbert Gonzaga na may kasong pagnanakaw at si Romulo Enero, 40, isang polio victim na may kaso ring rape.

Batay sa regional police report na isinumite sa Camp Crame, naganap ang jailbreak dakong alas-4 ng madaling- araw kung saan nilagare ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng kulungan.

Napag-alamang sinamantala ng mga preso na makalingat ang mga bantay na pulis sa gitna ng malalakas na pagbuhos ng ulan nang isagawa ang pagtakas.

Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin kaugnay ng kasong administratibo sa kapabayaan sa tungkulin si SPO1 Alexander Flaes, officer-on-duty nang maganap ang jailbreak ang pagpuga ng mga preso. (Joy Cantos)

Show comments