Diskuhan bumagsak: 50 sugatan

Umaabot sa limam­pung sibilyan ang ini­ulat na nasugatan ma­ka­ raang bumagsak ang floating disco hall ha­bang nagdaraos ng raffle ang may 200 ka­wani sa ginanap na Christmas party sa beach resort sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.

Sa phone interview, sinabi ni P/Chief Inspector Jefferson Des­callar, hepe ng Cadiz City PNP, naitala ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa Ba­rangay Daga ng nasa­bing lungsod.

Base sa police report na ipinarating ni Chief Insp. Descallar sa Camp Crame, bu­migay ang ka­liwang bahagi ng floating disco ng Laura Beach Resort and Restau­rant habang nag­ka­ka­siyahan kaug­ nay ng idinaraos na Christmas party ng may 200 ka­wani ng GTY Trading.

Sinabi ni Descallar na habang nagsasa­gawa ng raffle ang mga opisyal ng nasa­bing kumpanya ay nag­kum­ pulan sa gitna ang may 200 kawani kaya unti-unting bu­mag­sak ang floating disco na gawa lamang sa sawali at kawayan sa naturang pamosong restaurant ng nabang­git na lungsod.

Inihayag ng opisyal ng pulisya na hindi na­kayanan ng pundas­yon ng floating disco ang may 200-katao da­hil ang kapasidad nito ay nasa 50 lamang at bukod dito ay may ka­lumaan na ang nasa­bing floating disco hall kaya bumigay ito.

Ang mga nasuga­tan ay naisugod na­man sa Cadiz District Hospital, Cadiz Emergency Clinic at Silay Pro­vincial Hospi­tal. (Joy Cantos )

Show comments