^

Probinsiya

Gulpihan nauwi sa demandahan

-

ANTIPOLO CITY, Rizal – Nahaharap sa kasong physical injuries at child abuse, ang isang miyembro ng Ga­binete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, anak nitong alkalde at limang bodyguard kaugnay sa pang­gugulpi sa mag-ama sa Valley Golf and Country Club sa Barangay Munting Dilaw sa Antipolo City, Rizal.

Kinilala ni P/Senior Supt. Ireneo Dordas, provincial police director, ang mga  suspek na sina DAR Sec. Nasser Pangandaman, anak nitong si Marawi City Mayor Angel Pangandaman at ang mga alalay na sina Paisar Abdu­lala, Muhammed Hus­sien, Abdan Pacasuna, Rene Ma­laque at si Arnel Astacio.

Ang mga suspek ay ini­reklamo at kinasuhan nina Delfin dela Paz, 56, ne­gos­yante at anak nitong si Bino Lorenzo, 14, kapwa nani­nirahan sa Town and Country Subdivision sa Barangay Mayamot.

Samantala, nakatakda namang magsampa ng ka­song libelo si Agrarian Reform Secretary Nasser Pa­ngan­daman Sr. at anak na Nasser Jr. laban kay Delfin dela Paz dahil sa malis­yo­song sinabi nito sa media laban sa kanila at bukod pa ito sa hiwalay na kontra de­manda na physical injuries na naunang isinampa sa Antipolo PNP ng alkalde. (Edwin Balasa at Danilo Garcia)

ABDAN PACASUNA

AGRARIAN REFORM SECRETARY NASSER PA

ANTIPOLO CITY

ARNEL ASTACIO

BARANGAY MAYAMOT

BARANGAY MUNTING DILAW

BINO LORENZO

COUNTRY SUBDIVISION

DANILO GARCIA

DELFIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with