^

Probinsiya

Brodkaster na na-libelo, lumaya

-

DAVAO CITY – Ina­pro­bahan ng Department of Justice ang pag­pa­palaya sa dating brod­kaster na nakulong sa Da­vao Prison and Penal Farm sa kasong libelo na isinampa ni Rep. Pros­pero Nograles sa Davao City Regional Trial Court may ilang taon na ang nakalipas.

Sa direktiba na nilak­daan ni Undersec. Oscar Calderon ng Bureau of Corrections na ina­pro­bahan ni Justice Sec. Raul Gonzalez, personal na inihatid ni National Press Club President Benny Anti­porda sa opi­sina ni Supt. Venancio Teroso ng Davao Prison and Penal Farm upang masiguro na si Alexan­der Adonis ay makaka­piling ang kanyang pa­milya sa Kapaskuhan.

Kabilang sa mga pre­so na lumayang ka­sabay ni Adonis ay sina Angelito Cavite, Richard Laurito, Angelo Natonio, Minard Pequit, Roy Po­lenio, Ra­mil Portas at si Resalito Tachado. Si Adonis na dating kawani ng Bombo Radyo Caga­yan de Oro ay nahatulan ng apat na taong pag­kakulong ng mababang korte dahil sa kontro­bersyal na kasong libelo na isinampa ng nabang­git na kongresista kaug­nay sa isyung Bur­lesk King na isinasa­himpa­pawid sa pang-araw-araw sa radyo pro­grama.

Inamin naman ni Ado­nis sa kanyang abo­gado na wala siyang ma­tibay na ebidensya para pa­nindi­gan ang alegasyon laban kay Rep. Nograles kaya na­pilitan itong mag­sampa ng kaso sa korte upang linisin ang kanyang pa­nga­lang at reputas­yon particular na ang dangal ng kan­yang pamilya ka­ugnay sa misteryo­song bumabalot na na­banggit na isyu.

ANGELITO CAVITE

ANGELO NATONIO

BOMBO RADYO CAGA

BUREAU OF CORRECTIONS

DAVAO CITY REGIONAL TRIAL COURT

DAVAO PRISON AND PENAL FARM

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SEC

MINARD PEQUIT

NATIONAL PRESS CLUB PRESIDENT BENNY ANTI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with