CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at makasuhan ang isang alagad ng batas makaraang masakote dahil sa pag-escort ng trak na may lulang pampasabog sa hangganan ng Barangay Caloocan at Barangay Gadgaron sa bayan ng Matnog, Sorsogon kahapon ng umaga. Pomal na isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si PO1 Emelito Salvador ng Provincia Mobile Group na nakabase sa Batangas PPO at ang drayber ng trak na si Edgar Navarro. Base sa police report, ang trak na may plakang UTP313 na patungong Surigao del Sur ay nakumpiskahan ng 350 sako ng ammunium nitrate, 350 pirasong dinamita, 70,000 pirasong safety fuse, 30,800 metro ng detonating cord at 90,000 pirasong gamit din sa pampasabog. (Ed Casulla)