^

Probinsiya

Shootout: 8 holdaper utas

-

NUEVA ECIJA – Nag­wakas ang masa­mang modus operandi ng walong miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang ma­karaang mapatay ng mga ope­ratiba ng pu­lisya sa uma­atikabong shoot­out sa bisinidad ng Ba­rangay Baculong sa ba­yan ng Victoria, Tar­lac hang­gang Nueva Ecija, kamaka­lawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Leonilo dela Cruz, director ng Central Lu­zon PNP, nakasa­gupa ng pu­lisya ang grupo ng  Igorot /Bonnet gang at Buma­tay Group na pinamumu­nuan ni Genaro Pascual alyas Boy Bumatay.

Napag-alamang na­ka­tanggap ng tip ang mga awtoridad na aatake ang nasabing grupo para holdapin ang mayamang negos­yanteng si Hilario “Boy” Legaspi sa bahay nito sa Sitio Rosario ng na­banggit na barangay.

 “Based on the information relayed by a confidential informant, the plan will be executed anytime on December 21,” pahayag ni dela Cruz kung saan agad niyang inalerto ang pulisya.

Bandang alas-7:20 ng gabi nitong linggo nang pasukin ng mga ka­ la­lakihang maska­rado ang compound ng ne­gos­yante subalit na­gulat ang mga suspek nang ma­datnan sa com­pound ni Legaspi ang nakapos­teng mga operatiba ng pulisya kung saan agad na nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang holdaper, isa rito ay kinilalang si Lucio Guinayen Jr.

Sa hot pursuit operations matapos na maha­rang ang nagsitakas na mga holdaper kung saan umabot ang habu­lan sa kahabaan ng Sto. Do­mingo-Baloc Road sa Ba­rangay Burgos,  Sto. Domingo, Nueva Ecija. 

Gayon pa man, sa ha­­­lip na sumuko ay mu­ling nakipagbarilan ang mga holdaper laban sa mga tauhan ng Tar­lac at Nueva Ecija PNP na nag­resulta sa pagka­sawi ng anim pa sa mga holda­per.

Kabilang sa mga na­paslang ay sina Peter Lo­mibao, 30, ng San Jose City, Nueva Ecija; Joseph Sabado, 34, ng Solano, Nueva Vizca­ya; Judy Ferrer, Alfedo “Janggo” Melano, at ang lider ng grupo na si Genaro Pas­cual alyas Boy Bumatay habang inaalam pa ang panga­lan ng isa pa.

Narekober sa mga napatay na holdaper ay ang 7 baril, dalawang mo­­ torsiklo, na may pla­kang OJ-2281 at CN 1663; at isang Kia Besta van (XBS-994). (Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos)

vuukle comment

BALOC ROAD

BOY BUMATAY

CENTRAL LU

CHIEF SUPT

CHRISTIAN RYAN STA

CRUZ

GENARO PAS

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with