Bagong bomb plot sa Iligan nasilat

Nasilat ng mga opera­tiba ng militar ang ikatlong pag­ tatangka na bombahin ang Iligan City, Lanao del Norte nitong Biyernes ng hapon, ayon sa ulat kaha­pon.

Ito’y matapos na yanigin ng dalawang magkasunod na pambobomba ang Uni­city Mall at Jerry’s Bargain Center Shoppers Plaza na kumitil ng buhay ng 3 ka­tao ha­bang 47 pa ang na­su­gatan noong Huwebes.

Ayon kay 1st Lt. Stef­fanie Cacho, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Min­da­nao Command, ang bomba ay natagpuan ng mga sibilyan bandang alas-4:45 ng ha­pon.

Agad namang ipinag­bigay alam ng mga concerned citizen sa militar ang kahinahi­ na­lang bagay na nadisku­breng isa pa­lang uri ng improvised explosive device.

Ang bomba, ayon kay Cacho, ay itinanim malapit sa Loi’s Pharmacy sa JBC Shoppers Plaza sa lung­sod.

Nabatid pa na ang bomba ay inilagay mismo sa loob ng prutas na papaya na mabuti na lamang at naagapan ng EOD team ng Philippine Army na ma­bilis na nai-detonate bago pa man ito sumabog at ma­kapinsala.

Si Pangulong Gloria Ma­capagal Arroyo ay bu­misita sa mga nasugatang biktima ng pagsabog sa Iligan City noong umaga ng Biyernes bago nadiskubre ang pa­nibagong bomba. (Joy Cantos)

Show comments