^

Probinsiya

3 Iligan bomber tiklo

- Joy Cantos -

Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa magkasunod na pam­bo­bomba sa dalawang shopping mall sa Iligan City noong Huwebes ang nasa­kote ng mga awtoridad na sinasabing nakita sa CCTV camera sa isinagawang follow-up operation sa na­bang­git na lungsod.

Ito ang inianunsyo ni PNP Chief Director General  Jesus Verzosa, sa mga ma­mamahayag, ga­yon paman pansamantala munang ‘di-inihayag ang mga pangalan at organi­sasyong kinabibila­ngan ng tatlo.

Ang tatlong suspek ay ka­salukuyan  pang suma­sa­ilalim sa tactical interrogation.

 “This is in line with our security preparations for the holiday season and we are still on the follow-up for the arrest of the other members of the group that we have just recently conducted neutralization operations,” pa­hayag pa ni Verzosa

Kaugnay nito, alerto na­man ang buong puwersa ng kapulisan sa Mindanao ka­ugnay sa pambobomba sa dalawang shopping mall.

CCTV, susi sa bombing

Sinasabing dalawang lalaki ang na-monitor sa CCTV na  huling nag-iwan ng bagahe sa baggage counter ng Unicity Mall at Jerry Bargain Center (JBC) Shopping Complex sa Agui­naldo Street bago sumabog ang bomba.

Isinasailalim na sa pag­susuri ng mga imbestiga­dor ang close circuit television (CCTV) recording na magsi­silbing susi sa mag­kasunod na pambobomba sa dala­wang mall sa Iligan City, La­nao del Norte ka­makalawa na pumatay sa 3-katao ha­bang 47 iba pa ang sugatan.

Pakana ng 2 kumander ng MILF rebs

Pinaniniwalaan namang galamay ng dalawang wan­ted na MILF kumander na sina Abdulrahman Maca­paar alyas Commander Bravo, at Aleem Sulayman Macapaar,  may reward na­man P5 milyon.

Sinabi naman ni Army’s 403rd Brigade Commander Col. Nicanor Dolojan, na wa­lang dudang may kinala­man ang grupo ng dala­wang ku­mander sa pagpa­pasabog para lamang ilihis ang open­siba ng military.

Sinabi ni Dolojan na tatak ng MILF ang ginamit sa sumabog na improvised explosive device (IED) tulad ng 81mm mortar na ginamitan ng cell phone para magsil­bing detonating device ng bomba.

Ikinalungkot naman ni Iligan City  Mayor Lawrence Cruz, ang sinapit ng isang nursing student na nadamay sa naganap na pagsabog kung saan ay hindi na ma­iba­balik pa ang dating anyo ng mukha kung saan nabu­lag din ang kaliwang mata nito.

MILF pumalag sa akusasyon ng AFP

Kasabay nito, itinanggi naman ni MILF Spokesman Eid Kabalu na ang kanilang grupo ang responsable sa pagpapasabog ng dala­wang mall at imahinasyon lamang at black propaganda ito ng AFP.

Sa halip, bumuwelta si Kabalu na sinabing may sangkap na C4 ang bomba na aniya’y tanging ang AFP lamang ang nagtataglay nito.

Ayon kay Kabalu, hindi patas sa kanilang grupo ang AFP na sa kabila ng wala pang isinasagawang im­bes­tigasyon ay agad nang ti­nukoy ang kanilang grupo na nasa likod ng insidente.

Binigyang diin pa ng MILF spokesman na taliwas sa aral  ng Islam ang mag­sagawa ng pambobomba.

vuukle comment

ABDULRAHMAN MACA

ALEEM SULAYMAN MACAPAAR

BRIGADE COMMANDER COL

CHIEF DIRECTOR GENERAL

COMMANDER BRAVO

ILIGAN CITY

JERRY BARGAIN CENTER

KABALU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with