2 bata utas sa sunog

Nabalot ng luksa ang pagdiriwang ng Kapasku­han ng pamilya ng dala­wang bata na iniulat na nasawi makaraang maku­long sa loob ng nasusu­nog nilang tahanan sa bayan ng  Bongao, Tawi-Tawi noong Miyerkules ng gabi.

Gayon pa man, kasalu­kuyan pang inaalam ng  mga awtoridad ang pag­kakakilanlan sa dalawang biktima na kapwa nagmis­tulang uling sa insidente.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, aabot naman sa 300 kabahayan ang naabo matapos na kumalat ang apoy sa Barangay Kasan­yangan.

Sa imbestigasyon ng Tawi-Tawi Bureau of Fire, faulty electrical wiring at mahinang klase ng mater­yales ang sinasabing dahi­lan kaya mabilis na kuma­lat ang apoy sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ng hepe ng AFP Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Nelson Allaga, pansaman­talang pinatuloy  muna  sa Maharlika Elementary School ang mga resi­denteng nasunugan ha­bang patuloy naman ang imbestigasyon. Joy Cantos

Show comments