2 bata utas sa sunog
Nabalot ng luksa ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng pamilya ng dalawang bata na iniulat na nasawi makaraang makulong sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi noong Miyerkules ng gabi.
Gayon pa man, kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa dalawang biktima na kapwa nagmistulang uling sa insidente.
Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, aabot naman sa 300 kabahayan ang naabo matapos na kumalat ang apoy sa Barangay Kasanyangan.
Sa imbestigasyon ng Tawi-Tawi Bureau of Fire, faulty electrical wiring at mahinang klase ng materyales ang sinasabing dahilan kaya mabilis na kumalat ang apoy sa nabanggit na lugar.
Sa ulat ng hepe ng AFP Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Nelson Allaga, pansamantalang pinatuloy muna sa Maharlika Elementary School ang mga residenteng nasunugan habang patuloy naman ang imbestigasyon. Joy Cantos
- Latest
- Trending