^

Probinsiya

2 malls binomba

-

Niyanig ng magkasunod na pagsabog ang dala­wang shopping mall mata­pos taniman ng bomba ng mga ‘di-pa kilalang grupo kahapon na ikina­sawi ng dalawang sibilyan at 28 iba pa ang nasugatan sa pa­nibagong paghahasik ng terorismo sa Iligan City, Lanao del Norte.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Supt. Virgilio Ranes, hepe ng pulisya sa Iligan City, da­kong ala-1:55 ng hapon nang unang sumabog ang  Unicity Mall sa Aguinaldo Street.

Kasunod nito,  20-mi­nu­to pa lamang ang nakalipas ay sumabog naman ang isa pang bomba sa  Jerry’s Bargain Center Shoppers Plaza na may 40 metro lamang ang layo sa Unicity Mall.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kina­laman ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front na pinamumunuan ni Commander Abdulrahman Ma­capaar alyas Commander Bravo na responsable rin sa madugong pag-atake sa apat na bayan ng Lanao del Norte noong Agosto 18.

Isa sa dalawang baggage boy na nasawi ay si Erwin Suico habang gina­ga­mot naman ang 28 iba pa.

Bunga ng insidente, ayon naman kay Army’s 403rd Brigade Commander Col. Nicanor Dolojan, ay agad silang tumulong sa pulisya sa pagkordon at pagsasagawa ng imbesti­gasyon.

Napag-alamang iniha­bilin ng isang lalaki na nagpanggap na kustomer ang bomba na nakalagay sa kahon sa counter ng dalawang magkalapit na shopping mall.

Sa inisyal na pagsusuri, ang sumabog na bomba na kapwa improvised explosive device ay tatak ng mga grupo ng pasaway na mga rebeldeng MILF na sangkot sa paghahasik ng kara­hasan  sa lalawigan. Joy Cantos

vuukle comment

AGUINALDO STREET

BARGAIN CENTER SHOPPERS PLAZA

BRIGADE COMMANDER COL

COMMANDER ABDULRAHMAN MA

COMMANDER BRAVO

ERWIN SUICO

ILIGAN CITY

JOY CANTOS

SHY

UNICITY MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with