^

Probinsiya

Cargo ship lumubog: 1 patay, 19 nailigtas

-

Isa na namang barko ang iniulat na lumubog kung saan namatay ang isang chief engineer habang 19 iba pa ang nailigtas sa karagatan malapit sa Caluya Island, Antique may tatlong milya ang layo sa Si­bay Island. noong Martes ng hapon.

Batay sa ulat na tinanggap kahapon ng Office of Civil De­fense, kinilala ang nasawi na si Alex Tambasin, chief engineer ng M/V Ma. Lourdes.

Kabilang sa mga bikti­mang nakaligtas ay sina Henry Edaño, ship captain; Jorge Siliacay, Victoriano Flores, Joseph Torralba, Do­nato Sornito Jr., Ian Keith Atabay, Eric Boco, Urbano Abad Jr. Michael John Tibay, Manuel Belangel, Jerome Sumayan, Eric Briones, Charles Elasco, Philip Louise Robihid, Alden Gomez, Mar­ton Bertes, Ariel Delos Santos, Raul Almella at si Joel Aran.

Base sa ulat, ang M/V Ma. Lourdes na pag-aari ng Can­dano Shipping Lines ay naka-encounter ng malalaking alon at malakas na hangin sa pa­gitan ng Sibay at Caluya Islands bago abandonahin ng 20 tripulante.

Ang barko na may lulang 22,000 sako ng semento ay naglayag patungong San Jose, Mindoro mula sa pan­talan ng Iligan City, Lanao del Norte noong Sabado nang makasalubong ng malalaking alon.

Kaagad namang inalerto ng Philippine Coast Guard sa pamumuno ni Commander Harold Jarder, ang yunit nila kabilang na ang isang chopper na nakabase sa Iloilo at nailigtas  ang 19 tripulante.

Minomonitor na ngayon ng Coast Guard ang posibleng oil spill sa karagatan. Ronilo Pamonag at Joy Cantos

ALDEN GOMEZ

ALEX TAMBASIN

ARIEL DELOS SANTOS

CALUYA ISLAND

CALUYA ISLANDS

CHARLES ELASCO

COAST GUARD

COMMANDER HAROLD JARDER

SHY

V MA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with