8 mangingisda nawawala

LUCENA CITY, Quezon – Bago pa naganap ang tra­hedya ng paglubog ng M/V Mae Jan sa karagatan ng Ca­gayan at sa Antique noong linggo, walong ma­ngi­ngisda mula sa bayan ng Atimonan, Quezon ang ini­ulat na nawa­wala sa kara­ga­tan ng Pacific Ocean noong Huwebes ng Dis­yembre 4.

Sa naantalang ulat na ipina­labas ni Petty Officer Felix Sier­ra, commander ng Atimo­nan Coast Guard Detachment, ipinagbigay-alam ni Ar­nel Manaog ang nawa­wala nitong fishing boat na F/B Silver na may lulang wa­long mangingisda.

Kabilang sa mga nawa­wala ay ang kapitan ng fishing boat na si Ronald Mag­buhos at mga mangingis­dang sina Melchor Manaog, Roge­lio Evangelista, Rom­nic Ba­langigi, Jessie Alcaba, Joko Estrella, Randy Batu­cabe at si Emmanuel Pa­sam­ba.

Ayon kay Manaog, nag­la­yag ang F/B Silver noong Dis­yembre 4, kasabay ng tatlong bangka na F/B Annie Joy, F/B Ron-Ruel at ang F/B Lady-Lady sa may karagatan ng Quezon ilang milya ang layo sa Humalig Island o walong oras ang layo mula sa Puerto ng Ati­monan bago ito nawala sa karagatan makalipas ang 3- araw.

Nakabalik naman ang tat­long bangka noong Ling­go ng Disyembre 7 subalit nanatiling hindi nakabalik ang F/B Silver.

Pinaniniwalaang hinam­pas ng malakas na hangin at malalaking alon ang bang­ka ng mga biktima bago ito lumu­bog sa hindi paring malamang lugar ng Pacific Ocean, ayon pa kay Sierra

Nagsasagawa parin ng search and rescue operations ang mga awtoridad para ma­isalba ang mga mangingisda. Arnell Ozaeta

Show comments