^

Probinsiya

Negosyante ng 5-6, kinatay

-

Nagwakas ang pagne­negosyo ng 5-6 ng isang Bumbay makaraang pag­tulungang saksakin hang­gang sa mapatay ng mag­kaibigang lalaki sa bakan­teng lote ng Barangay Pag­hidait sa Bago City, Negros Occidental kamakalawa.

Nagtamo ng may 17-sak­sak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Jasvir Singh, 22, ng Lot 9, Block 29, Villa Angela Subdivision sa Brgy. Villamonte, Baco­lod City. 

Arestado naman ang mga suspek na sina Joniel Valindez, helper ng biktima at ang kaibigan nitong si  Jayvee Empasse, 19, pa­wang naninirahan sa Brgy. Villamonte. 

Sa ulat ni P/Supt. Miguel Coronel, hepe ng Bago City PNP, dakong alas-3 ng ha­pon nang makatanggap ng impormasyon ang him­pilan ng pulisya kaugnay sa na­tagpuang bangkay ng bik­tima sa liblib na bakan­teng lote sa nabanggit na ba­rangay.

Agad namang rumes­ponde ang pulisya at nare­kober  ang bangkay ng bik­tima na nakilala sa pama­magitan ng driver’s license nito.

Natagpuan naman sa may 50 metro layo mula sa crime scene ang driver’s license (student permit) ng pangunahing suspek na si Valindez  na naiwan sa pag­mamadali matapos ang kri­men.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na kinarnap pa ng mga suspek ang kulay itim na motorsiklo ng biktima  na may plakang 7707FD.

Sa presinto, inamin ng sus­ pek na pinaslang niya ang amo sa tulong ng kaibi­gan dahil sa palagi siyang mi­nu­mura kapag hindi naka­kako­lekta sa negosyo nitong 5-6.

Napag-alamang bumalik sa crime scene si Valindez matapos maalala na naiwan niya ang kaniyang pitaka kaya inaresto ng mga naka­posteng sina PO1 Hernane Pongyan at PO2 Angelo Geroche. Joy Cantos

vuukle comment

ANGELO GEROCHE

BAGO CITY

BARANGAY PAG

BRGY

HERNANE PONGYAN

JASVIR SINGH

JAYVEE EMPASSE

JONIEL VALINDEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with